Marami sa atin ang hindi na naniniwala sa FOREVER at higit sa lahat marami sa atin ang hindi na naniniwala sa Tunay na Pag-ibig. Aminin man natin o hindi ang lahat ng yan ay nagsisimula nang hindi paniwalaan ng mga tao lalong-lalo na sa mga kabataan. Nakakalungkot lang isipin na mas nangingibabaw nang paniwalaan ng mga kabataan na ang Pag-ibig ay isa lamang laro.

Gusto kong ibahagi sa inyo ang aking kwento. Hindi para humingi ng papuri, opinyon o anu pa man. Gusto kong ibahagi sa inyo ang aking napakagandang karanasan upang mamulat ang iba na meron pa ring Tunay na Pag-ibig.

Hindi ako magkwekwento ng buong detalye dahil masyadong mahaba kung ikwekwento ko lahat . Hindi rin ako naniniwala na may tunay na pag-ibig isa ako sa mga bigtima ng sirang pamilya at lumaking may galit sa mga lalaki dahil sa ginawa ng aking ama sa aking ina. Hanggang sa dumating ang isang taong hindi ko inaasahan na magiging malaking bahagi ng aking buhay . Ang aking Asawa :) Hindi lang nya sakin ipinakita na may tunay na Pag-ibig , ipinaramdam nya rin ito sakin. Tinanggap nya kung anu ang mga imperfections ko Physical man o Behavior. HIndi ako marunong magluto. Hindi ako sexy (pero hindi ako mataba, chubby lang :D)Pinakita nya rin sakin na hindi lahat ng lalaki ay manloloko na meron pang mga matitinong lalaki. Sadya nga lang na kailangan mong sumugal. Naalala kong sabi pa nya sakin noon na "Wala naman manlolokong lalaki eh , nagtratry kasi kami ,hinahanap din syempre yung talagang gusto namin makasama nang panghabang buhay na, hindi naman namin sinasadya na manakit ng babae , anu magagawa namin kung dumadating yung time na nafafall out of love kami sa babae? Alangan naman ituloy pa rin namin yung relasyon namin , parehas lang kaming magsusuffer dun , imagine this. Sige itutuloy namin yung relasyon namin , pipilitin naming ayusin magpapakasal kami magkaka-anak pero tandaan mo hindi maganda ang kalalabasan ng pinilit na relasyon. At kung may anak na kayo ng panahon na yun sino ang kawawa? Ang magiging anak diba? So habang maaga pa dapat siguraduhin mo na kung sya ba talaga ang gusto mong makasama sa buong buhay mo, dahil ang desisyon na pagpapakasal ay pang habang buhay na commitment yan" Doon ko naintindihan ang lahat, at sa unang pagkakataon naintindihan ko ang mga side ng lalaki.

Pinakasalan nya ako :) at sa araw-araw na ginawa ng Diyos hindi sya nakakalimot sabihin sakin na maganda, sexy at mahal na mahal na mahal nya ako. Sya rin ang dahilan kung bakit naging mas malapit ako sa Diyos. Ginagawa nya lahat para maibigay sakin yung magandang buhay at hindi ko maranasan na maghirap. Napakabuti nyang tao, wala syang ibang goal sa buhay kundi ang yumaman hindi para sa amin lang kundi para makatulong rin sa mga nangangailangan. Sayang nga lang :( dahil wala na sya ngayon T_T. Binawian sya ng buhay last january 2015. Marahil sasabihin ng iba dyan na walang Forever kasi nga namatay naman . Forever? hindi naman ibig sabihin nyan eh kasama habang buhay ang tunay na ibig sabihin nyan eh "Habang Buhay o Walang katapusan" at habang buhay ko syang mamahalin at hindi makakalimutan.

"Lahat nang nangyayari sa buhay natin ay may purpose at dahilan at kalooban ng Diyos" Yan ang palagi nyang sinasabi sa lahat nang kakilala nya at yan na lang din ang pinanghahawakan ko ngayon upang maging malakas.

Nais ko ring ibahagi sa inyo ang sinabi nya sakin dati, diba may quotation nga tayo na "Mahalin mo ako kung sino ako at kung talagang mahal mo ako hindi mo ako kailangang baguhin" ang sabi "hindi daw dapat ganyan kasi kung talagang mahal mo ang isang tao handa mong baguhin yung mga hindi mo magaganda ugali o anu pa man para sa ikabubuti nyong pareho kasi nga diba dapat give and take hindi puro take lang"

Kung gusto mong makatagpo ng Tunay na Pag-ibig ay dapat hindi ka takot sumugal at handa ka sa lahat ng posibleng mangyari sa buhay mo at higit sa lahat dapat ay sarili mong desisyon at wag kang magbabase sa sinasabi sayo ng ibang tao.
Buhay mo yan at kaligayahan mo ang nakasalalay kaya nararapat lang na ikaw din ang magdesisyon para sa sarili mo.

Hinding-hindi ko sya makakalimutan maliban na lang siguro kung magka amnesia o alzheimer ako . Pero hindi pa rin! Maaaring makalimutan ko sya sa isip pero hinding-hindi ko sya makakalimutan dito sa aking Puso dahil nakapaklaki ng puwang nya sa aking Puso . Ang pinakamamahal ko at pinakamalaking biyayang binigay sa akin ng Diyos.

Does Forever Still Exist?

 
Behind Everything © 2015 - Designed by Templateism.com